Thursday, March 5, 2009

artista

tulala sa bintana
may hinahanaphanap
wala namang nakikita
wala sa isip, nakatunganga

mahirap kasing idibdib
na walang ligaya ang buhay
dahil may kulang sa araw
ang ngiti ng iyong mata

ikaw kasi ang langit
at hindi kita maabot
masaya sana kung kapiling
pero wala rin, malabo

artista ka kasi
at ako, normal na tao.
kung pede sana ipahiwatig
pagibig ko para sa iyo

suntok sa buwan, isang milagro
kung magkatuluyan man tayo
nanaginip lang ako
laki ng tama ko, seryoso.

totoo nga naman siguro
na walang mararatingan
ang crush kong ito para sayo
magjajakol na nga lang.




No comments: